masarap magbasa.
dahil maiintindihan mo ang iba't ibang haka-haka, opinyon, at kung ano-anong mga pananaw ng iba't ibang tao
napapawordpress ako at journal dito sa DA ([link])
ikaw kelan ka natutong magbasa?
sa tuwing maaalala mo yung mga panahon bulol ka, mabagal, katawa-tawa magbasa
at higit sa lahat ang KABADO magbasa. Pinagtatawanan ka, Natatakot sa guro, ayaw matawag, laging takdang aralin na
magbasa sa bahay pagkatapos ng klase. Pagkabatang may masaya at malungkot, nakakahiya, magaling na karanasan at kung ano-ano pa.
lahat tayo dumaan sa ganyang karanasan. Karanasang hindi mo malilimutan
pero kailangan itong iwanan sapagkat natuto na tayo
pero kung sa pagbabasa tayo mapupunta. maswerte tayo
maswerte dahil sa kalagayan natin ngayon at mga propesyonal na sa buhay
ay mga kabataan paring hindi marunong magbasa
simpleng problema pero malawak.
malawak sa aspeto na tayong mga pilipino ay
salat sa edukasyon at naghihirap parin na nagreresulta na hindi makapagaral ang mga bata.
maswerte tayo.
ako bilang isang tao at community servant (Rotaract Club of San Pedro East)
napakasarap na ipamahagi ang kaalaman, maging mapagbigay sa nangangailangan
pagsilbihan ang bayan.
tara basa tayo!
(Miss ko na ang Rotaract Projects)
Gandang Hapon!













